Mahalaga ang papel ng heorapiya kung bakit ang Africa ang huling pinasok at huling nahati-hati ng mga Kanluraning bansa. Tinawag ito ng mga Kanluranin na dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad. Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang Kanluranin tungkol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 na siglo.
Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa equator. Matatagpuan dito ang rainforest o isang uri ng kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalaki, matataas, at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest ay ang savanna, isang bukas at malawak na grassland o damuhan na may mga puno. Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang Sahara, ang pinakamalaki at pinakamalawak na disyerto sa daigdig. Ang Sahara na malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito. Ang oasis ay lugar sa disyerto kung saan may matabang lupa at tubig na kayang bumuhay ng halaman at hayop. Tanging sa oasis lamang may mga maliliit na pamayanan sa Sahara. Hiwa-hiwalay at kalat-kalat ang mga kultura at kabihasnang sumibol at namayani sa malawak na kontinente ng Africa.

SAHARA DESERT
Isa sa mga umunlad na kultura sa Africa ay ang rehiyon na malapit sa Sahara. Nakatulong sa kanilang pamumuhay ang pakikipagkalakalan. Tinawag itong Kalakalang Trans-Sahara. Bunga nito, nakarating sa Europe at iba pang bahagi ng Asya ang mga produktong African.
ANG KALAKALANG TRANS-SAHARA
Noong 3000 B.C.E., isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon sa timog ng Sahara. Tinawag na Trans-Sahara ang kalakalang naganap dito. Ang kalakalang Trans-Sahara ay tumagal hanggang ika-16 na siglo. Tinawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal. Kamelyo ang kadalasang gamit sa mga caravan. Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay. Ang mga mangangalakal mula sa Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop tulad ng unggoy, leon, elepante, at mga mamahaling hiyas. Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa Digmaang Punic laban sa Rome ay nanggaling sa Kanlurang Africa. Iba’t ibang grupo ng mga tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.
Ang Pagpasok ng Islam sa Kanlurang Africa
Nang makapagtatag ng mga pamayanang Muslim sa Morocco, ang Islam ay unti-unting nakilala at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnang nananahan sa Kanlurang Africa. Ang Islam ay pinalaganap ng mga Berber, mga mangangalakal sa Hilagang Africa. Pumupunta sila sa Kanlurang Africa upang bumili ng ginto kapalit ng mga aklat, tanso, espada, seda, kaldero, at iba pa.
MGA PAMPROSESONG TANONG?
1. Ano-anong uri ng vegetation at anyong-lupa ang makikita sa kontinente ng Africa?
Sagot:
Rainforest at savanna
Sagot:
Rainforest at savanna
2. Bakit mahirap mamuhay sa rehiyon ng Sahara?
Sagot:
Dahil wala gaanong tubig at iba pang mga pagkain na makukuha sa disyerto kaya't mahirap mamuhay rito.Higit sa lahat mataas ang temperatura rito.
3.Ano ang ibig sabihin ng caravan?
Sagot:
Pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
4.Bakit tinawag na Trans-Sahara ang kalakalan sa Hilagang Africa?
Sagot:
Dahil tinawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan, dala-dala ang iba’t ibang uri ng kalakal.
.5. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Hilagang Africa?
Sagot:
Berber